Friday, June 5, 2009

Munting Alaala Ng Ama


Sa gabi ng bago pumanaw ang aking ama, mga huling habilin niya'y hanggang ngayon ang siyang gabay ko upang di habang buhay malulong sa masamang bisyo. Naaalala ko pa'y sinabi niya... "Anak, darating ang panahon na ika'y lalaki, huwag na huwag mong kakalimutan ang mga ipinagbabawal ko sayo, ang ilulong ang iyong sarili sa alak, sigarilyo at droga."... Sa mga sandaling iyon bilang isang bata na ang isip lamang ay laro at walang iba, ang tanging sagot "Opo papa, pangako po".

Tila nga bang ang tadhana ay mapaglaro. Lahat ng pangako ay biglang lumuho nang ako'y nagbibinata. Nakalimutan sa mga panahong iyon na ako pala'y may binitawang pangako. Iba nga talaga ang tama ng alak, sigarilyo at droga, tilang walang pakialam sa mundo. Ang mahalaga para sa akin ay ang maging masaya kasama ng aking mga kaibigan. Sa panahong iyon ang alam ko lamang ay lumigaya.

Ngunit dumating ang panahon ng ako'y napagod sa mga ganitong bisyo. Talagang sisirain at uubusin ang lahat ng mayroon ka sa iyong buhay. Ang pera ay unti-unting nauubos gayun din ang iyong mga kaibigan. Sa puntong ito lahat ng mga kaibigan ay lumuho sapagkat ika'y wala ng pakinabang sa kanila.

- O aking ama, salamat sa iyong mga alaala. Wala ka man sa aking tabi ngunit nananatili ang iyong habilin at alaala sa aking puso. Ang mga panahong kasama ka namin bilang isang pamilyang masaya ay sapat na upang ako ay lumigaya. Di mo pinagkait ang tunay ng pagmamhal ng isang ama sa aming magkapatid. Ako din ay nagpapasalamat sa iyong walang sawang pagmamahal kay mama kahit sandali lamang. Halos lahat ng taong naalala ang tanging maiwang salita mula sa kanila - sayang napakabait niyang tao. Papa, pinangangalagaan ko ang pamilyang ito sa malinis at mabuting pamamraan na siya mong nasimulan. Maraming salamat pa at mahal ka namin.

Thursday, June 4, 2009

Ang Pagpanaw Ng Aking Ama

Isa sa pinakamasakit at pinakamalungkot ng yugto ng aking buhay ay ang pagpanaw ng aking ama. Kung tutuusin sa murang edad na 12 ang pagkamatay ng isang ama ay di gaanong nabibigyang halaga. Ang pagkawala ng ama ng haligi sa isang pamilya na siyang inyong tagapagtanggol ay isang malaking kawalan. Sa aking natatandaan eto ang mga panahong napakalungkot sa aming buhay. Pamilya na siyang maiituring na isang pilay, nawalan ng sumpay na inyong matutukuran sa tuwing ito'y nadadapa. Sa kanyang pagkawala isang napakalaking pagsubok hanggang sa ngayon ang patuloy naming nararanasan. Gayon pa man ako ay nagpapasalamat sa aking ina sapagkat ang tangi niyang lakas ang siyang bumubuhay sa aming pamilya. Ang katatagan ng kalooban sa pagpanaw ng mahal ninyo sa buhay ay napakahalaga. Huwag rin nating kalimutan sa panahong eto dapat tayo ay maging mas malapit sa ating Diyos Ama. Nawalan man tayo ng ama na ating kinikilala ngunit may Ama tayo sa langit na Siyang ating kasama sa araw-araw. Ang Diyos Ama natin ang siyang magtuturo ng ating landas sa tamang pamamaraan.

Habang ako'y lumalaki bagkas sa aking mukha ang isang lungkot at nagmamakaawang mga mata na sa tuwing may okasyon kasama ang pamilya. Napakahirap ang lumaki ng walang ama. Mahirap sa pamamaraang kulang sa gabay sa isang anak na lalaki. Maraming mga pagsubok ang nangyari sa aming buhay isa na rito sa murang edad ako'y makukulong sa isang kasalanang paglabag sa batas sa paggamit ng telepono (telephone manners and right conduct law), ang pag layas ng kapatid ko sa dahilang di pag sang-ayong ng aking ina sa isang kasintahang mapangahas. Sa mga panahong iyon iba't-ibang reaksyiong o komento ang aming naririnig sa mga tao - mga masakit na mga salita. Awang-awa ako sa aking ina sa sakit niyang nararanasan. Bilang isang bata wala ako magagawa kundi umiyak at humingi ng kapatawaran sa kanya.

- O aming ina, salamat sa iyong walang sawang pagmamahal. Naging masama man kami sa mga mata ng tao ngunit di mo kami pinabayaan. Lalo kang naging matatag at walang humpay sa pagkapit sa Diyos na siya mong naging lakas upang di mawalan ng pag-asa na itaguyog ang ating pamilya. Sa ngalang ng Diyos dakila kang ina, ina namin na walang sino man ang makakapantay sayo. Mahal na mahal ka namin.

Pagkilala

Ako po si Dennis Emmanuel, laking Cotabato City. Ipinanganak po ako nuong ika 5 ng Hulyo sa taong 1979. Ang aking mga magulang na sina Celia Salonga Cenizal at Francisco Manalo Lontok ay pinalaki ako ng may takot sa Diyos, paggalang sa kapwa lalo na sa mga nakakatanda at minulat na maging isang mabuting tao. Meron po akong kapatid na si Mary Ann Lontok-LeaƱo kasalukuyang may asawa, tatlong anak at naninirahan sa Chicago, Illinois bilang isang Nars. Sa murang edad ng 12 ang aking ama ay pumanaw sa sakit sa puso. Simula noon ang aming ina ang siyang tumayo bilang ama na rin namin. Eto po ang simula ng aking kuwento...